Hindi makadadalo ng pisikal si Dating House Speaker Martin Romualdez sa pagdinig ng Sandiganayan sa kanyang urgent motion for hospital confinement.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Allen Rae Co, batay sa certification mula sa Cardinal Santos Medical Center, nakasaad na “medically unfit to travel” si Romualdez.
Dahil dito, mga doctor ng mambabatas na lang ang magpapaliwanag at magsusumite ng medical reports para sa kanyang scheduled hearing.
Pagtitiyak naman ng PNP, ano man ang maging desisyon ng Sandiganbayan sa mosyon ng mambabatas, ay handa ang PNP na sundin ito.
Matatandaang mayroon nang kwarto ang PNP General Hospital na nakalaan para kay Romualdez.