Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng site visit at inspection sa isang warehouse facility sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija bilang posibleng karagdagang imbakan ng Food and Non-Food Items (FNIs) ng kagawaran.
Pinangunahan ni DSWD Assistant Secretary Leo Quintilla ng Resource and Logistics Management Group ang pagsusuri sa pasilidad na maaaring gamitin ng DSWD bilang karagdagang storage facility.
Ang paggamit sa naturang pasilidad ay inaasahang magpapalawak sa storage capacity ng DSWD at mapalalakas ang pamamahala at prepositioning ng relief supplies.
Layon din nitong mapabilis ang mobilisasyon at paghahatid ng tulong sa mga komunidad sa Central Luzon at mga kalapit na lalawigan tuwing may emergency at kalamidad.
📸 DSWD

