Target ng administrasyong Marcos na magkaroon ng halos 40,000 aktibong libreng public internet access points sa buong bansa pagsapit ng 2027.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), target na maitaas sa 38,829 ang access points sa ilalim ng Free Public Internet Access Program mula sa 22,916 ngayong 2026.
Bahagi ito ng panukalang ₱)53.1 bilyong government-wide ICT at digitalization spending sa 2027.
Makakakuha ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng ₱14.4 bilyong piso para sa ICT-related expenditures, kabilang ang limang bilyong piso para sa libreng public internet.
Ayon kay Acting Budget Secretary Kim Robert De Leon, layunin nitong mapalawak ang access sa government services, edukasyon at oportunidad sa kabuhayan, lalo na sa geographically isolated at disadvantaged areas.
Iminumungkahi rin ang mas mataas na pondo para sa eGovernment Program at National Broadband Program upang mapalawak ang online government services at mapabilis ang broadband rollout sa bansa.