Ikinalugod ni House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG Party-list Representative Jude Acidre ang pag-angat ng performance ng mga Pilipinong estudyante sa 2025 Programme for International Student Assessment o PISA.
Kumpara noong 2022, tumaas ng 17 points ang science, 16 points ang mathematics, at 20 points ang reading scores ng mga Pilipinong mag-aaral.
Ayon kay Acidre, ipinapakita nito na may resulta ang tuloy-tuloy na education reforms basta nagtutulungan ang mga institusyon at nabibigyan ng sapat na suporta ang mga guro, paaralan at pamilya.
Gayunman, sinabi niyang kailangang tugunan agad ang learning gaps dahil marami sa mga problemang nararanasan sa kolehiyo ay nagsisimula sa mababang baitang.
Giit ni Acidre, hindi dapat sa college level lamang nagsisimula ang reporma sa edukasyon at kailangang palakasin ang pundasyon ng pagkatuto ng mga kabataan.
Hindi naman aniya dapat magpakampante dahil sa magandang resulta ng PISA.
Kaugnay nito, kinilala niya ang patuloy na pagsisikap ng Marcos administration, Department of Education, EDCOM II, Kongreso, mga guro, pamilya at iba pang education stakeholders.