Sa huling araw ng Seoul Defense Dialogue kahapon, muling nagpatutsada si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga bansang gumgamit ng puwersa at lakas para isulong ang sariling agenda o propaganda upang gipitin ang archipelagic countries.
Sinabi ni Teodoro sa kaniyang talumpati na gaya ng South Korea at iba pang bansa, pinanghahawakan ng Pilipinas ang UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea para igiit ang soberaniya at karapatan sa teritoryo.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na hindi pasisiil ang Pilipnas at patuloy nitong itataguyod ang international law at rules-based oder sa pamamagitan ng naipanalo nitong kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.
Itataguyod din ng Pilipinas ang malawakang modernisasyon sa hanay ng militar at ang mga mekanismo para ipakalat ang tunay na karapatan sa pamamahayag at katotohanan.
Paiigtingin din ang edukasyon sa mga kabataan upang hindi mahulog sa patibong ng ilang bansa na napapakalat ng disinformation, malignformation, at fake news.
Magugunitang bago ito, tahasan at kalmadong sinagot ni Teodoro ang ipinadalang liham sa kaniya na nagsasaad ng posisyon ng China sa usapin ng West Philippine Sea habang nasa kalagitnaan ng talakayan na bahagi ng komperenisya.