Sumasailalim na sa evaluation ang kasong qualified human trafficking na inihain ng National Bureau of Investigation-National Capital Region laban kina Batangas First District Representative Leandro Leviste at anim na iba pa kaugnay sa sinasabing “honey trap” laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida na na-irefer sa kanila ang reklamo noong September 4, pero sa ngayon ay hindi pa ito umaabot sa preliminary investigation.
Meron 10 araw ang DOJ para ma evaluate at malaman kung uusad ba ang reklamo sa preliminary investigation o kaya ma dismiss at posibleng ibalik sa NBI.”
Samantala pinag-aaralan pa ang posibilidad na isailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO sina Leviste at ang iba pang respondent para mamonitor ang kanilang pagbiyahe habang kinakaharap ang reklamo.
Bukod kay Leviste kasama sa reklamo sina dating congressman Jacinto Paras, apat na abogado at isang indibidwal. | ulat ni Lorenz Tanjoco
n