Photo courtesy of Department of Agriculture
Itinutulak ngayon sa Kongreso ang pagpapatibay ng batas na magpapalakas ng drone development programs sa Pilipinas para sa pambansang depensa at agrikultura.
Ayon kay Deputy Majority Leader at Camarines Sur Rep. Luigi Villafuerte, napapanahon nang maisama ang unmanned aerial systems (UAS) sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Villafuerte, malaki ang maitutulong ng Kongreso upang bigyang daan ang pag-develop ng sariling mga drones.
Welcome din ng mambabatas na ngayon ay nasa testing stage ang AFP at DA sa paggamit ng teknolohiyang ito sa kani-kanilang mga departamento.
Umapela rin ang mambabatas sa 20th Congress na maipasa ang panukalang ₱10 bilyong pondo upang simulan ang pag-develop ng mga drone sa bansa
Inihain ni Villafuerte ang House Bill (HB) No. 1362 upang itatag ang Philippine Unmanned Aerial System Program (PUASP) at Strategic Defense Technology Transfer Program (SDTTP).
Inaasahang magagamit ang mga local drone sa paglaban sa terorismo at insurgency, disaster response, food security and agriculture at environment protection.