May nakalaang 31.2 bilyong piso sa proposed 2027 national budget para punan ang 64,530 authorized teaching positions.
Kabilang dito ang 31,614 existing vacant positions at 32,916 bagong teaching positions na inaprubahan ng DBM noong May.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, prayoridad na mapabilis ang hiring ng mga kwalipikadong guro at maitalaga sila sa mga paaralang higit na nangangailangan.
Nilinaw naman ni Budget Secretary Kim Robert C. De Leon na bagama’t walang panibagong batch ng Teacher I positions na iminungkahing likhain sa 2027, maaari pa ring punan ang libu-libong bakanteng posisyon na mayroon nang pondo.
Mayhiwalay ding 7.58 bilyong piso para sa substitute teachers at 12.09 bilyong piso para sa Expanded Career Progression System ng mga guro. | ulat ni Lorenz Tanjoco