Itinuturing ng Philippine National Police bilang election areas of concern ang 93 sa 105 lungsod at bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, nakabatay ang pag-uuri sa level ng banta sa bawat lugar.
Kabilang dito ang posibleng election-related incidents, political rivalry at presensya ng mga armadong grupo.
Ginagamit ito ng PNP bilang batayan sa pagde-deploy ng mga pulis.
Mahigpit din ang koordinasyon ng PNP, AFP, COMELEC, Coast Guard at local government units para sa seguridad ng halalan.
Sa kabila nito, sinabi ni Co na wala pa ring nakikitang malubhang banta sa kasalukuyang sitwasyon.
Patuloy ang intelligence gathering at validation habang papalapit ang takdang araw ng halalan.