Papaigtinging ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang online monitoring kontra fake news at disinformation bago ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bukas.
24/7 ang pagmamatyag ng Threat Monitoring Center, kasama ang Comelec at Presidential Task Force On Media Security.
Ayon kay CICC Executive Director Usec. Renato Paraiso, tututukan ang mga posting na maaaring makalito sa mga botante at makaapekto sa halalan.
Mabilis ding aaksyon ang CICC sa mga ulat ng vote-buying at gagamit ng software para matukoy ang mapanlinlang na AI content.
Sinabi pa ni Paraiso na magpapatuloy ang monitoring hanggang sa matapos ang halalan.
Makikipagtulungan din ang CICC sa Meta, Google, TikTok at X para sa pag-review at posibleng pag-alis ng mali o mapanlinlang na content.