Patuloy ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue sa Quezon City.
Sa leptospirosis, umabot na sa 821 ang kaso mula Enero 1 hanggang Setyembre 10, 2026—163 kaso ang nadagdag sa loob lamang ng isang linggo.
Naitala rin ang 51 pagkasawi na maiugnay sa leptospirosis.
Paalala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, iwasang lumusong sa baha at gumamit ng bota at guwantes kung kailangan.
Samantala, 4,909 na ang dengue cases sa lungsod, kung saan 44 % o 2,175 kaso ay mga batang edad sampung taon pababa.
Umabot na sa 24 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit.
Giit pa ng QCESD, ang mag-search and destroy, panatilihing walang nakatiwangwang na tubig, at magpakonsulta agad kapag may sintomas.