Itinaas na rin ng Philippine National Police (PNP) ang FULL ALERT status sa lahat ng Police Regional Office sa buong Mindanao.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng latag ng seguridad para sa makasaysayan at kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, bukod kasi sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinailalim na rin sa FULL ALERT status ang PRO ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.
Una rito’y naitala sa Cotabato City ang dalawang insidente ng karahasan kagabi gaya ng pamamaril at pagpapasabog kung saan, may mga naitalang casualties.