Itinaas na rin ng Office of Civil Defense- Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) ang RED ALERT status kasabay na rin ng Parliamentary Elections sa BARMM ngayong araw.
Ngayon hanggang bukas, September 15, mananatili ang RED ALERT para sa mas mahigpit na monitoring, pakikipag-ugnayan at operational readiness sa anumang emergency o insidente.
Magugunitang noong Sabado pa lamang, isinailalim na ng OCD BAR sa Blue Alert ang kanilang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda at pagtugon para sa halalan.
Muli namang ibababa ang Blue Alert status sa September 16, bago target na bumalik sa White Alert sa September 17, depende sa magiging sitwasyon at progreso ng election-related activities.
Patuloy ang koordinasyon ng OCD BAR sa mga partner agency para sa mabilis na pagtugon sa anumang insidente bago, habang at matapos ang halalan.