Inilunsad ngayong araw Lunes ika-14 ng Setyembre 2026 sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) ng Itbayat ang malawakang programa para sa renewal ng maintenance cards at PhilPEN screening ng mga residenteng may altapresyon (hypertension) at diabetes.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pambansang programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” na naglalayong masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng gamot at maayos na pagsubaybay sa kalusugan ng mga mamamayan.
Upang mapanatili ang kaayusan, nagtakda ang RHU Itbayat ng partikular na iskedyul para sa bawat barangay mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM:
◦ Lunes Setyembre 14, 2026: Barangay Sta. Rosa at Barangay Sta. Maria
◦ Martes Setyembre 15, 2026: Barangay San Rafael at Barangay Sta. Lucia
◦ Miyerkules Setyembre 16, 2026:
Umaga (8:00 AM – 12:00 NN): Sitio Yawran
Hapon (1:00 PM – 5:00 PM) Barangay Raele
Pinapaalalahanan ng pamunuan ng RHU Itbayat ang lahat ng mga pupunta na dalhin ang kanilang lumang Maintenance Card at sumunod sa itinakdang araw.
Binigyang-diin din ng RHU Itbayat na walang isasagawang renewal tuwing araw ng Huwebes, dahil ang naturang araw ay inilaan lamang para sa pamamahagi o dispensing ng mga gamot sa mga rehistradong pasyente.