Photo courtesy of COMELEC
Pinuri ng international observer ang mga nasaksihan at proseso sa BARMM Parliamentary election.
Ayon kay COMELEC George Erwin Garcia, napabilib ang international oberserver dahil sa kabila ng ilang karahasan at naantala ang pag boto ay bumabalik parin ang mga residente para makaboto.
Kahit mainit at maliliit ang classroom na nag sisilbing voting precint ay matsagang nakikilahok ang mga botante.
Ayon kay COMELEC Chairman Garcia, nagtaka pa ang international observer bakit pati mga nakakulong ay hinahayaang makaboto.
Paliwanag ni garcia, sa Pilipinas kasi hanggat hindi pa napapatunayan na may sala ang isang taong nakakulong ay ginagalang at pinahahalagahan ang karapatan nitong makaboto. | ulat ni DK Zarate