Sisimulan ngayong Lunes ng House Prosecution ang paghahain ng ebidensya kaugnay sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor at isa sa team leaders ng Article II na si Rep. Terry Ridon, nakatutok ang pagdinig sa mga dokumento, kabilang ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at mga rekord sa korporasyon.
Sa ilalim ng Article II ng impeachment complaint, tatalakayin ang alegasyon ng betrayal of public trust—ang umano’y yaman na hindi proportion sa kita ng Pangalawang Pangulo at hindi idineklara sa kanyang SALN.
Kabilang sa mga isasalang na testigo ngayon ng prosecution si Retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang upang magbigay-linaw sa mga prinsipyo ng pananagutan sa publiko, integridad, at mga mekanismo laban sa undisclosed or unexplained wealth and prohibited business interests.
Si Office of the Ombudsman Records Division Officer-in-Charge Atty. Karen Batu naman ang magbibigay ng mga opisyal na SALN ni Duterte na nasa kustodiya ng Ombudsman.
At si Securities and Exchange Commission Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo del Rosario para sa record ng mga kumpanya at negosyo ng mag-asawang Mans at Sara Duterte-Carpio.