Aabot sa ₱4.3 bilyong halaga ng tulong at serbisyo ang nailaan ng Department of Agriculture sa 542,622 benepisyaryo sa higit 200 LGUs sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo ng pamahalaan.
Kasama sa isinagawang rollout sa buong bansa ang suporta para sa palay, mais, high-value crops, livestock, at fisheries, pati na rin ang tulong na ipinamahagi sa pamamagitan ng KADIWA ng Pangulo at Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo program.
Tampok din dito ang “Benteng Bigas, Meron Na!” para sa mga sektor na higit na nangangailangan ng access sa murang bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon ng tulong na tugunan ang mga praktikal na pangangailangan ng mga magsasaka.
Ang Handog ng Pangulo 2026, ay bahagi ng mga aktibidad para sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
📸 DA

