May alok na libreng sakay ang Department of Transportation-Metro Rail Transit 3 (DOTr-MRT-3) ngayong Miyerkules at Huwebes para sa ilang kwalipikadong pasahero.
Sa darating na Miyerkules, September 16, buong araw na libreng sakay ang hatid ng MRT-3 para sa mga government employee bilang pakikiisa sa Civil Service Month.
Kailangan lamang magpakita ng valid company o agency ID.
Sa Huwebes naman, September 17, libre ang sakay para sa mga National ID holder mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi, bilang pakikiisa sa Global Identity Day.
Maaaring magpakita ng physical National ID, Digital National ID, o ePhilID na nasa paper format para makapag-avail ng libreng sakay.