Nagpulong ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) kaugnay ng seguridad sa 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Ayon sa AFP, isinagawa ito sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, sa pangunguna nina AFP Chief of Staff General Antonio Nafarrete at OPAPRU Secretary Mel Senen Sarmiento.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga naging paghahanda sa seguridad at ang suporta ng militar sa halalan.
Kasabay nito, personal ding sinubaybayan ni Nafarrete ang takbo ng halalan mula sa naturang kampo, kasama ang mga commander ng Philippine Army, Eastern Mindanao Command, at Western Mindanao Command. Ipinapakita anila nito ang mahigpit na koordinasyon at patuloy na pagbabantay sa mga security operation para sa mapayapang pagdaraos ng halalan.