Itinuturing ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na tagumpay para sa mga Pilipino ang paglilipat kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon kay Dizon, patunay umano ito na walang special treatment at walang sinisino ang gobyerno sa mga nahaharap sa kaso kaugnay ng alegasyon ng anomalya sa flood control projects.
Iginit ni Sec. Dizon na dapat hayaang umusad ang justice system at managot ang sinumang nauugnay sa mga iregularidad base sa mga ebidensya.
Binigyang-diin din ng kalihim na dapat maging pantay ang hustisya para sa lahat, mayaman man o mahirap.
Matatandaang ipagutos ng Sandiganbayan 3rd division na ilipat si Romualdez sa Quezon City Jail matapos sabihin ng UP-Philippine General Hospital na medically stable na siya at maaari nang ma-discharge. | ulat ni DK Zarate