Isasapinal na ng Social Security System (SSS) ang proposed Social Security Agreement ng Pilipinas at Czech Republic.
Pinangunahan ni SSS President at CEO Robert Joseph de Claro ang delegasyon ng SSS sa Czech Republic para sa pulong sa mga opisyal ng Czech Social Security Administration.
Naisapinal na noong August 12 ang teksto ng kasunduan, matapos ang mga konsultasyon at negosasyon na isinagawa mula 2023 hanggang 2026.
Layon ng agreement na mapalawak ang social security coverage at access sa mga benepisyo ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Czech Republic.
Tinatayang 12,303 Pilipino ang naninirahan sa bansa noong 2025.