Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga unit ng pulisya na sundin ang mga hakbang para sa kaligtasan sa mga paaralan.
Inatasan ni PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga tanggapan ng pulisya sa buong bansa na palakasin ang seguridad sa mga eskwelahan.
Ayon kay Nartatez, dapat maging proactive ang pulisya at kumilos bago pa lumala ang anumang banta.
Isa sa mga binibigyang-diin ng PNP ang pinahusay na security coverage program ng Cebu City Police Office, kabilang dito ang foot patrol, mobile patrol, at regular na pagbisita sa mga paaralan.
Inaatasan din ang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga punong-guro at guro upang matukoy ang mga posibleng problema sa seguridad. Patuloy namang pinapahusay ng PNP ang koordinasyon nito sa Department of Education (DepEd) para higit na mapalakas ang mga hakbang sa kaligtasan sa mga paaralan.