Umabot sa mahigit ₱62 milyon ang tulong, livelihood support, training, productive assets at social services na ipinamahagi ng national government sa mga benepisyaryo sa Davao Oriental sa ilalim ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang farm machinery, fishing boats at gear, fish cage livelihood packages, crop insurance, irrigation support, TESDA scholarships at starter toolkits, financial assistance, medical aid, emergency shelter assistance at assistive devices.
Itinampok din sa programa ang mahigit ₱400 milyon na agriculture at fishery development initiatives ng Department of Agriculture family, kabilang ang DA RFO XI, PhilMech, PCIC, BFAR XI at PFDA para sa mga magsasaka at mangingisda sa Davao Oriental.
Kabilang sa malalaking productive assets ang 77.09-foot steel-hull fishing vessel, motorized fiberglass boats, HDPE fish cage packages, fishing gear at 35,000 tilapia fingerlings, bukod pa sa iba’t-ibang farm tools at machinery.
Sa ilalim naman ng convergence ng national government agencies, 495 benepisyaryo ang nakatanggap ng financial assistance mula sa DSWD, habang 41 kalahok ang sumailalim sa pre-licensing training para sa mga security guard at 10 benepisyaryo ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa OWWA.
Kasama rin sa isinagawang serbisyo ang emergency shelter assistance, assistive devices, medical aid at iba pang suporta mula sa mga ahensya ng pamahalaan para sa mga nangangailangang residente ng Davao Oriental.
📷 Provincial Govt. of Davao Oriental