Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa isang scammer na gumagamit ng pangalan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ginagamit umano ng scammer ang mobile number na 0969-268-4752 para magpanggap bilang kalihim.
Pinayuhan ang publiko na huwag magpadala ng pera o magbahagi ng anumang personal na impormasyon kapag nakatanggap ng hindi awtorisadong tawag o mensahe mula sa naturang numero.
Hinikayat din ang publiko na i-verify ang mga impormasyon sa official social media accounts ng DSWD at ni Secretary Gatchalian, at agad i-report ang anumang kahina-hinalang mensahe o transaksyon.