Photo courtesy of the Department of Agriculture
Pumalo sa higit 542,000 na magsasaka, mangingisda at iba pang agriculture stakeholders ang naging benepisyaryo at nakinabang sa mga serbisyo, programa at intervention sa ilalim ng Handog ng Pangulo program.
Sa panayam ng programang Bangon, Bayang Mahal kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, sumampa sa higit ₱4.2 billion ang inilaaag pondo sa Handog ng Pangulo Program na nakatulong sa 269 provincial at municipal local government units sa buong bansa.
Sari-saring serbisyo, programa at interventions ang dinala ng DA na mas malapit sa publiko tulad ng registration sa RSBSA, processing ng indemnification claims, Kadiwa ng Pangulo at marami pang iba.
Naging maayos din ang pagtukoy ng regional field offices ng DA kaya totoong nakarating sa mga benepisyaryo ang tulog na laan ng pamahalaan.
Kagyat ding natulungan at nabigyan ng binhi at iba pang pangangailangan ang mga magsasaka at mangingisdang labis na napinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat.