Nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa mga miyembro ng National Media na sana’y mas mapagtuunan pa ng pansin ang mga susunod pang Parliamentary Elections sa BARMM.
Sa panayam ng Salaam Radio kay LENTE Director, Atty. Ona Caritos sinabi niyang napakahagala ng parte ng National Media sa pagpapahatid ng balita at impormasyon at susi rin ito upang maiwasan ang ilan sa mga nangyari nang insidente.
Ani Caritos, hindi naman kayang brasuhin mag-isa ng local media networks and affiliates ang pagbabantay sa BARMM Elections kaya malaki talaga ang magiging tulong at impluwensiya ng National Media.
Binigyang-diin din ng LENTE na sana ay mas maging maigting pa ang pakikipag-ugnayan ng National Media sa COMELEC at ilan pang election watchdogs upang mas maging malawak ang voters education campaign.
Mahalaga kasi ito upang maiwasan ang anumang pagkalito at mas maging equipped sa kaalaman ang mga botante.