Nilinaw ni Atty. Michael Poa na hindi papalitan at mananatiling siya ang tagapagsalita ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ito’y matapos ianunsyo ng Bise Presidente na nagtalaga siya ng tagapagsalita niya na si Atty. Salvador Paolo Panelo.
Giit din ni Atty. Poa, hindi naman talaga sya tagapagsalita ng Bise ngayon kundi sa defense team lamang ng impeachment trial.
Hindi rin totoo ang balita na siya umano ay magre-resign o magbibitiw sa kanyang pwesto bilang abogado ng Bise Presidente.
Sa ngayon naman nakahanda na ang defense team na talakayin ang Article 2 ng Articles of Impeachment o ang Unexplained Wealth. Tiniyak naman ng depensa na inaral at sinilip nila ang mga ebidensya na ipepresenta ng prosekusyon.