Nakatakdang sumailalim sa isang-bilyong pisong modernization program ang Market! Market! sa Bonifacio Global City o BGC, matapos lagdaan ang kasunduan ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA at ng Station Square East Commercial Corporation o SSECC, na pinangungunahan ng Ayala Land Incorporated.
Sa ilalim ng kasunduan, pinalawig ng 12 taon at pitong buwan ang lease ng SSECC sa Market! Market! Mula sa dating expiration nito na June 4, 2027, magpapatuloy ang operasyon upang higit pang mapaunlad ang lugar bilang isang integrated retail at mobility hub.
Ayon kay BCDA President at CEO Joshua Bingcang, layunin ng proyekto na mapalaki ang economic at social value ng government assets. Kabilang din sa plano ang pagsasama ng mahahalagang mobility infrastructure, gaya ng Metro Manila Subway, sa development ng Market! Market!