CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Ipinaabot ng Sandiganbayan Third Division sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), House of Representatives at Senado ang kopya ng September 14 order nito kaugnay ng mga pangangailangang medikal ng Quezon City Jail-Male Dormitory.
Partikular ito sa naging pagdinig sa mosyon ng hospital detention ni dating House Speaker Martin Romualdez kung saan inilahad ni Dr. Henry Fabro, chief medical officer ng QC Jail Male Dormitory, ang pangangailangan ng pasilidad sa karagdagang hospital beds, medical supplies, medical equipment at mga doktor.

Dahil mahalaga ang mga ito sa pagbibigay ng sapat na medical care sa mga persons deprived of liberty (PDL), iniutos ng anti-graft court na ipaalam ang mga pangangailangang ito sa concerned government agencies at institusyon.
Layon nitong matiyak na sapat ang kagamitan at medical personnel sa mga detention facility para mabigyan ng angkop na pangangalaga at makataong kondisyon ang mga PDL.