Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae L. Ting, iginagalang ng SC ang pahayag ng Bise Presidente ngunit binigyang-diin na ang mga kaso ay pinagpapasyahan ng mga hukom batay sa batas at ebidensyang inihaharap sa Korte.
Wala pang inanunsyong hakbang ang SC kung papaliwanagin si Duterte kaugnay ng kanyang pahayag.
Hinihintay din ang magiging aksyon ng Korte sa panawagan ng grupo ng mga hukom para sa proteksyon laban sa online harassment. | ulat ni Lorenz Tanjoco