Gumagana na ang lahat ng limang pumping station na matatagpuan sa Abad Santos, Remedios, Faura, Harbour at Luneta.
Sa ginawang inspeksyon ni DPWH Sec. Vince Dizon, kinumpirma nito na direktang ikinonekta na sa Meralco ang mga naturang pumping station para matiyak ang paggana nito lalo ngayong panahon ng tag-ulan.
Paliwanag ni Dizon, noon ay tanging generator sets lamang ang nagpapatakbo sa mga naturang pumping station kaya kapag sira ang genset ay hindi na rin ito mapagana.
Kasabay nito, nagbabala naman ang kalihim na pananagutin ang sinumang indibidwal o grupo na magnanakaw ng kable at iba pang piyesa ng mga pumping station.
Pakiusap ni Dizon sa mga magtatangkang magnakaw, humanap na lang ng ibang raket o pagkakakitaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco