Nakikinig ang Marcos Administration sa saloobin at hinaing ng bawat Pilipino.
Ito ang binigyang-diin ni Communications Undersecretary Claire Castro sa harap ng nakatakdang kilos-protesta sa Lunes (September 21), kasabay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Ayon kay Castro, hindi pinipigilan ng pamahalaan ang sino man o anumang grupo na magsagawa ng mga ganitong pagtitipon.
Ang panawagan lamang ng Palasyo, ipahayag ang kanilang mga damdamin sa mapayapa at maaayos na paraan.
Hindi aniya kailangan ng karahasan o mayroong masaktan.
Ang Philippine National Police (PNP), gagawin aniya ang kanilang bahagi na siguruhing ligtas ang lahat ng makikibahagi sa pagkilos at manatiling mapayapa ang aktibidad na ito.
Ang pagsisiguro aniya ng pamahalaan, tulad ng panawagan ng mga magkikilos protesta patuloy ang pagsasagawa ng gobyerno ng mga proyekto ng gobyerno at pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.
Hindi rin aniya isinasantabi ng gobyerno ang pagpapapanagot sa mga sangkot sa flood control anomalies.