RTVM screengrab
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.ang groundbreakng ceremony ng Metro Manila Subway project – NAIA Terminal 3 station.
Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nananatiling isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon nang pagmomodernisa sa railway system ng bansa kabilang ang subway project na isa aniyang episyente at maaasahang public transport system na mabilis na magkokonekta sa iba’t ibang area kung saan naroroon ang trabaho, paaralan at iba pang puntahang lugar.
Ayon sa Pangulo, nasa 60 porsiyento na ang overall progress ng subway project habang 100 porsiyento na rin aniyang plantsado ang right of way sa lahat ng istasyon ng Metro Manila Subway kaya’t asahan na wala ng magiging problema sa konstruksiyon nito.
Sa sandaling maging fully operational na ang proyekto, ang dating biyahe mula Valenzuela city hanggang NAIA na inaabot ng isang oras at 30 minuto ay tatagal na lamang ng 40 minutes.