Muli na namang isasailalim sa Red at Yellow Alert ang Visayas Grid mamayang hapon hanggang gabi dahil sa patuloy na kakapusan sa suplay ng kuryente sa rehiyon.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) epektibo ang RED alert mula alas-5 hanggang alas-6 ng hapon.
Subalit bago iyan, itataas muna ang YELLOW alert mula alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at masusundan naman mula alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.
Nabatid na walong planta ng kuryente sa Visayas ng kasalukuyang bagsak o hindi gumagana habang may 15 naman ang bagaman gumagana ay nasa derated capacities o kapos ang suplay ng kuryente.
