Pinaigting pa ng Eastern Police District (EPD) ang kanilang pagbabantay sa ilang mahahalagang lugar sa kanilang nasasakupan.
Ito’y bilang paghahanda na rin sa mga nakaambang aktibidad para sa anibersaryo.
Ayon kay EPD Director, Police Brigadier General Roman Arugay, kabilang sa kanilang tinututukan ay ang EDSA Shrine gayundin ang Connecticut Street malapit sa EDSA People Power Monument.
Mahigpit aniya ang atas sa kanila ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-In-Charge, Police Brigadier General Christopher Abrahano na tiyaking mgiging mapayapa, maayos, at tahimik ang mga ikakasang aktibidad.
Habang nasisiguro rin aniyang naigagalang ang karapatan ng bawat isa na makapagpahayag ng kanilang saloobin sa ilalim ng batas.