Muling magbubukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Navotas para mag-alok ng mas murang mga produkto sa publiko.
Sa abiso ng LGU, magsisimula ang Kadiwa sa Navotas Convention Center bandang alas-9 ng umaga.
Kabilang sa seserbisyuhan nito ang mga residente ng BBS, BBN, Navotas East, at Navotas West.
Available dito ang ₱20 kada kilo na bigas para sa senior citizen, PWD, solo parent, 4Ps beneficiaries, registered fisherfolk at miyembro ng TODA. Kailangang magdala ng valid sectoral ID, NavoRehistro, at DA QR Code.
Bukod sa murang bigas, makakabili rin ng murang mga gulay, prutas, manok, at karne katuwang ang mga kooperatiba.