Screenshot
Nanawagan ang Office of the Ombudsman sa media na maging patas at responsable sa pag-uulat tungkol sa ongoing na paglilitis sa Sandiganbayan kaugnay ng ₱75-milyong plunder case ni Senador Rodante Marcoleta.
Ito ay kasunod ng ulat ng isang pahayagan na tumalakay sa testimonya ni Luzon Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson tungkol sa umano’y mga donor ni Marcoleta.
Ayon sa Ombudsman, maaaring magdulot ng maling impresyon ang pagbanggit sa mga hiwalay na bahagi ng testimonya nang wala ang buong konteksto ng ebidensiyang inihaharap sa korte.
Hinimok ng Ombudsman ang media na mag-ulat nang tama, patas, at may sapat na konteksto, lalo na sa mga kasong may malaking interes ng publiko.
Binigyang-diin nito na ang Sandiganbayan lamang ang tanging magdedesisyon kung sapat ang mga ebidensiyang iniharap sa korte.