Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 2026 International Coastal Cleanup ngayong Sabado, September 19, na may temang “Clean Seas for Resilient Communities.”
Isasagawa ang sabayang cleanup sa mga piling coastal at waterway sites sa lahat ng 17 rehiyon ng bansa, bilang bahagi rin ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo 2026.
Gaganapin ang flagship activity sa Baseco Beach sa Port Area, Manila, kung saan magsasama-sama ang DENR, mga lokal na pamahalaan, komunidad, volunteers, at private-sector partners para alisin ang marine litter.
Kasabay nito ang Upcycle and Circularity Expo na magtatampok ng mga kompanya at organisasyong gumagawa ng mga produkto mula sa discarded materials, bilang suporta sa mas sustainable at circular na waste management.