Ipapatawag ng House Prosecution Panel si Davao City Mayor Sebastian Duterte para humarap na testigo sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Kabilang si Mayor Baste sa mga nakalinyang testigo ng prosekusyon kaugnay ng tinatalakay na Article 2 ng impeachment case ni VP Sara o ang tungkol sa alegasyon ng Unexplained Wealth ng Bise Presidente.
Bago si Mayor Baste, una munang isasalang bilang mga testigo sina Civil Service Commission (CSC) Assistant Commissioner Atty. Ariel Ronquillo, Securities and Exchange Commission (SEC) Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo del Rosario, at Rendell Sopeña ng Department of Budget and Management (DBM).
Nakatakdang humarap sa Impeachment Court sina Ronquillo, Del Rosario, at Sopeña sa susunod na linggo o mula September 21-22.
Kung matapos ang tatlo ay saka susunod na haharap sina Mayor Baste gayundin sina Atty. Gary Samonte at Police Major Jerickson Sangalang.
Posible silang humarap sa Martes, September 22, o sa September 28.
Wala kasi muling magiging trial tungkol sa impeachment case ni VP Sara sa September 23, Miyerkules, dahil sa araw na iyon gagawin ang oral arguments para sa issue ng voting threshold sa impeachment trial.
Sa September 23 rin magbobotohan ang mga senator-judge kung mananatili ang ruling na 16-vote threshold na unang ibinaba ni Presiding Officer Chiz Escudero o kung babaguhin ito.