Photo courtesy of Civil Defense PH
Kumpiyansa ang Office of Civil Defense (OCD) na lalo pang lalakas ang disaster resilience effort ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kasunod ng matagumpay na ASEAN Ministerial Conference on Disaster Resilience.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay OCD Disaster Preparedness Service Director Vicente Gregorio Tomas, sinabi nitong naging malawakan ang pagtalakay sa paghahanda ng ASEAN kontra mga kalamidad.
Kasama na rito ang work program para sa taong 2026 to 2030 na nakatutok sa early warning and anticipatory action at response and recovery efforts.
Naging puso rin ng talakayan ang Manila declaration at ang mga components sa ilalim nito.
Tinutukan din sa mga usapin ang mga mahahalagang bagay sa disaster response tulad ng disaster risk financing, innovation, local capacity at ang whole of society approach.
Binigyang-diin din sa mga pagpupulong at talakayan ayon sa OCD ang ASEAN Post 2030 Resilience Vision at mga usapin sa climate change.