Photo courtesy of DSWD
Naging matagumpay at napakarami ang naabutan ng tulong at serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilaim ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat program.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sinabi niyang sari-saring tulong ang naibigay ng DSWD kasama ang lahat ng kanilang field offices.
Kasama na rito ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), UPLIFT assistance, supplemental feeding program, sustainable livelihood program, Walang Gutom Kitchen, Carevans at Unified PWD ID registration at marami pang iba.
Ginanap din ang ilang ceremonial turnover sa mga mahahalagang programa ng DSWD.
Kasama rin sa mga aktibidad sa ilalim ng Handog ng Pangulo ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga pamilyang apektado pa rin ng mga nagdaang sakuna.
Naging maigting din ang kampanya ng DSWD sa capacity building pagdating naman sa Sustainable Livelihood Program.
Gusto kasi ng DSWD na hindi lang seed capital ang kanilang maibibigay kundi upang tiyakin din na sisibol at lalago pa ang kanilang mga negosyong pinondohan upang tototong mai-ahon sa kahirapan ang mga benepisyaryo ng programa.