Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang Senado na ipagpatuloy ang pagtalakay sa Anti-Political Dynasty Bill matapos manawagan ang Supreme Court sa Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay-katuturan at magbabawal sa political dynasties.
Ayon kay Hontiveros, umabot na sa 39 taon ang hindi pagpapasa ng naturang batas.
Pinunto ng senadora na mayroon na siyang nabuong bersyon ng panukala na dumaan sa committee hearings at umabot na sa plenary deliberations noong siya pa ang chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms.
Sinabi ni Hontiveros na handa siyang tumulong at ipagpatuloy ang pag-sponsor ng panukala kung papayagan ng bagong pamunuan ng komite.
Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na nananatiling LEDAC priority measure ang Anti-Political Dynasty Bill kaya patuloy itong isusulong ng Senado.
Giit ni Gatchalian na kailangang pag-usapan ng Senado at Kamara ang kanilang magkakaibang bersyon para makahanap ng common ground.
Sinabi ni Gatchalian na maaari itong itulak ng bagong committee leadership o muling ipagpatuloy ni Hontiveros ang pagdepensa sa panukala sa plenaryo.