Nanawagan si Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa Kongreso na agad magpasa ng batas laban sa political dynasty, kasunod ng kautusan ng Korte Suprema.
Nagpasya ang Supreme Court (SC) na may Konstitusyonal na tungkulin ang Kongreso na magpatupad ng anti-political dynasty law at itinuring na grave abuse of discretion ang 39 na taong kabiguang maisabatas ito.
Iniutos ng SC sa Senado at Kamara de Representantes na aksiyunan nang may agarang panahon ang mandato ng 1987 Constitution na ipagbawal ang political dynasties ayon sa depinisyong itatakda ng batas.
Ayon kay David, sapat na ang 39 na taong paghihintay at panahon nang tugunan ng Kongreso ang naturang probisyon ng Konstitusyon.