Photo courtesy of Philippine Ports Authority (PPA) Spokesperson Eunice Samonte
Nag-deploy na ang Philippine Ports Authority (PPA) ng mga Emergency Response Vehicle o ERV sa mga pinamamahalaan nilang pantalan upang agad na makatugon sa anumang emergency situations.
Sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, sinabi niyang naka-bantay ngayon ang PPA sa mga emergency tulad ng mga bagyo, insidente ng paglubog o pagkasunog ng barko, medical emergencies at search and rescue efforts.
Sa tulong kasi ng mga naka-standby na ERVs ay magiging mas mabilis ang pagtugon sa anumang sakuna o insidente na mas magpapataas ng survival chance ng mga pasahero.
Fully-equipped din ang nasabing ERVs kaya tiyak na makatutulong ito sa mga emergency situation.
Ilan sa features nito ay ang malaking kapasidad ng water tank, fire pump, water foam, high-pressure hose, rescue tools, protective equipment, digital radio, public address system, emergency light, at livestreaming capability na makatutulong sa monitoring at situational awareness sa command center.
Ilalagay din ang mga nasabing ERV sa strategic locations o mga pantalan na may mataas na volume ng pasahero at aktibidad.