DFA, naghahanda sa posibleng pagbisita ni US Pres. Trump sa bansa
Pinaghahandaan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump sa darating na Nobyembre, kasabay ng ASEAN Summit.
Ito ang sinabi ni Misamis Occidental Representative Sancho Fernando Oaminal makaraang makausap ang ilang DFA officials.
Si Oaminal ang nagsisilbing sponsor para sa panukalang budget ng DFA sa susunod na taon.
Sa kabila ng paghahanda, sinabi ng DFA na hindi pa kinukumpirma ng Malacañang ang tungkol sa posibleng pagbisita ng US official.