Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ikabahala kaugnay ng anumang banta sa mga aktibidad sa Setyembre 21.
Ginawa ang pahayag matapos paagahin ng isang araw ang pagtataas ng alerto sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, minabuti nilang itaas ang alerto sa Setyembre 18 sa halip na Setyembre 19 upang matiyak ang maayos na latag ng seguridad at mapayapang pagdaraos ng kilos-protesta.
Napagdesisyunan ito sa isinagawang coordination meeting noong Huwebes, September 17, kung saan napagkasunduang agahan na ang deklarasyon ng full alert status.
Puspusan naman sa ngayon ang paghahanda ng PNP para sa mga inaasahang pagkilos at programa ng iba’t ibang grupo.