Screenshot
Naging matagumpay ang isinagawang Trabaho at Serbisyo Hatid Para sa Bayan 2026 ng Civil Service Commission National Capital Region (NCR) kung saan maraming job seekers ang nakilahok.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay Civil Service Commission (CSC) Assistant Commissioner, Atty. Judith Dongallo-Chicano sinabi nitong halos 500 job seekers ang nakilahok upang makahanap ng trabaho sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Paglilinaw naman ng CSC, na karamihan sa mga job seeker ay nagpasa lang ng kanilang mga papeles dahil may tamang proseso ang pagtanggap sa mga nais makapasok sa career positions ng pamahalaan.
Iba’t ibang serbisyo din ng pamahalaan ang napakinabangan sa nasabing event dahil sa mga lumahok na ahensiya ng pamahalaan tulad na lamang ng Philippine Statistics Authority.
Paglilinaw naman ng CSC, na karamihan sa mga natanggap maging sa mga isinagawang job fair sa iba pang parte ng bansa ay job orders (JO) para sa mga ahensiya ng pamahalaan na may JO vacancies.