Inaasahang pagtitibayin ng ASEAN at China ang kapwa nito ugnayang pang-ekonomiya sa nalalapit na ASEAN-China Economic Ministers’ Meeting, kung saan tatalakayin ang pagpapalawak ng kalakalan, pamumuhunan, at pagpapatatag ng regional supply chains.
Ayon kay DTI Undersecretary Allan Gepty, isa ang China sa pinakamalaking trading at investment partners ng ASEAN kaya mahalagang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng ASEAN-China Free Trade Agreement.
Kabilang din sa mga inaasahang pag-uusapan ang ratipikasyon ng ASEAN-China Free Trade Agreement 3.0 at pagpapalakas ng kooperasyon upang matugunan ang mga hamon sa supply chains at seguridad sa enerhiya.
Umaasa na sa pulong kasama ang ASEAN na mas mapapalawak pa ang oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng rehiyon at China, kasabay ng pagpapalakas ng katatagan ng ekonomiya ng mga kasaping bansa.