Umapela ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na huwag magpakalat ng graphic video, larawan at hindi beripikadong impormasyon kaugnay ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Sa inilabas na pahayag ng DICT, dapat igalang ang privacy ng mga biktima at kanilang pamilya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kinondena rin ng ahensya ang insidente at iginiit ang kahalagahan ng kaligtasan sa mga paaralan.
Nagpaabot ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at dasal para sa mabilis na paggaling ng mga sugatan.
Handa rin ang DICT na magbigay ng communications at technical support sa mga kinauukulang ahensya.