Nagpadala na ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang apektado ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Tatlo ang nasawi, kabilang ang isang guro, habang isinugod sa mga ospital ang mga nasugatan sa insidente.
Nagtungo sa lugar si DSWD Field Office 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr. para makipag-ugnayan sa local government at iba pang ahensya.
Nagtalaga rin ang DSWD ng mga social worker sa mga ospital para magbigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga nasugatan at kanilang pamilya. Iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagtatalaga ng isang social worker sa bawat pamilya ng mga nasawi at mga naka-ospital para sa patuloy na gabay at tulong.